Althea patok sa bikini
- ALTHEA VEGA
- Mar 14
- 1 min read
ABANTE TONITE

Sinungkit ni Althea Vega ang special award na Director’s Award sa nagdaang Miss Swimsuit USA International Model Search 2023.
Isa siyang certified health buff. Hindi lang ang pagiging mahusay na aktres ang kanyang maipagmamalaki, kundi ang kanyang pangangatawan. Kaya naman very confident si Althea na ibalandara ang kanyang hotness, Tunay na patok siya sa pagsusuot ng bikini.
Ipinahayag niya ang sikreto ng nakakagigil na pigura at kaseksihan.
Sambit ni Althea, “Para mapanatili ang kaseksihan at healthy na pangangatawan, kailangan ang pagsisikap, disiplina at pagpaplano ng regular na physical activities o pag-ehersisyo. Kailangan lang maglaan tayo ng oras para sa ating sarili at mental health. Huwag masyadong ma-stress sa mga bagay-bagay.
“Mahalaga rin na kumain tayo nang wastong nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Kumain ng mga mababa sa fats, damihan ang pagkain ng gulay, prutas, whole grains, legumes at lean meats.”
Sinabi rin niya ang fulfilment sa pagsali sa iba’t-bang-ibang contest. “Bata pa lang, mahilig na talaga akong sumali sa pageants, nagkainteres din ako sumali sa mga body building o fitness competitions. Maliban sa mga grand title awards at special awards na napanalunan ko, para sa akin ang pinaka-importante at fulfillment sa pagsali sa mga pageantry tulad ng Swimsuit USA International sa World Finals na ginanap sa Mexico. Malaking impact ‘yung experience ko, ‘yung proseso, ‘yung challenges. Lahat ng ito, ine-enjoy ko siya kasi nakikita ko may improvement hindi lang sa pangangatawan, kundi pati ‘yung character ko dahil nahuhubog lalo,” sey pa niya.
Ang latest film ni Althea na ginawa ay ang “ The Dark Military.”
(Nonie Nicasio)
コメント